👤

kahulugan ng bawat tudtod​

Sagot :

Answer:

TALUDTOD:

• Ito ay tumutukoy sa isang linya o hanay ng mga salita o isang linya ng tula.

• Ito ay makikita sa bawat saknong ng isang tula.

• Kung maraming pinagsama samang taludtod  o pangkat ng taludtod ang makikita sa tula ang tawag dito ay taludturan  o saknong.

• Ang taludturan ay isang pangkat ng mga taludtod na sumusunod sa isang padron ng tugma at sukat.

• Sa ngayon mas marami ng mas mahabang sukat ang taludtod

• Pinakapopular ang hiram na sukat na labindalawahan.

• Marami na ding bilang ng taludtod sa isang saknong.

Bakit mayroong taludtod ang bawat panulaan?

• Ito ay isang uri ng disiplina sa isang makata.  

• Ang taludtod ay parang molde na dapat niyang pagkasyahin ang mga dapat at gusto niyang sabihin.

Ano ang dapat gawin sa pagsulat ng taludtod?

• Sa bawat linya o taludtod  makikita na sa pagsulat ay dapat nakaayos ang mga salita tulad ng pagsulat at tugma nito.

Ano ang may maituturing na may pinakamaikling taludtod?

• Maituturing na may pinakamaikling taludtod ang panulaang tagalog.

MGA HALIMBAWA NG PANULAANG TAGALOG NA MAY TALUDTOD

1. Narito ang salawikain na may dalawang taludtod na may sukat na apatin

Kung di ukol

Di bubukol

2. Narito ang dalawang halimbawa ng bugtong na may pinakamaikling taludturan na may dalawang taludtod na may isang tugma.

Bumbong kung liwanag

Kung gabi ay dagat

Isang bugtong na bata

Di mabilang ang diwa

Related links:

Ano ang taludtod ? ano ang halimbawa ng taludtod ?

brainly.ph/question/1046891

brainly.ph/question/59307

Ano ang taludtod

brainly.ph/question/2154726

#LEARNWITHBRAINLY

Explanation:

yan po brainliest me