Sagot :
Answer:
Imbitahin ang iyong anak na sabihin sa iyo kung ano ang maaari na niyang narinig tungkol sa
coronavirus, at kung ano ang nararamdaman niya tungkol dito. Maaaring may nabuo nang sariling ideya
ang mga bata tungkol sa kung ano ang nangyayari o nakarinig ng mga bagay mula sa mga kaibigan, na
nagdudulot ng pagtaas ng kanilang pag-aalala at pagkabalisa. Gumamit ng tapat pero maingat na wika.
Huwag gumamit ng mga salitang nagdudulot na mag-isip ng mga nakakatakot na bagay tulad ng
“kamatayan”, “nahihirapang huminga”, at “mataas na lagnat”. Gumamit ng mga salitang tulad ng
“maaaring sobrang magkasakit ang ilang tao dahil dito”, “pakiramdam ng ilang tao ay hindi nila mahabol
ang kanilang hininga”, atbp. Ang layunin mo ay magbigay ng kapanatagan na sila ay ligtas batay sa mga
tanong at nararamdaman nila na maaaring ibahagi nila sa iyo sa mga salitang tumpak at madaling
intindihin.