Sa edad mo ngayon ay maaaring napupuna mo na ang uri ng samahan o relasyong namamagitan sa mag-asawa sa iyong paligid. Ano-ano sa mga napapansin mo ang makapagpapatunay na hindi man perpekto ay maganda ang samahan ng mag-asawa at kapwa sila masaya sa kanilang relasyon? Sumulat ng tig-isang patunay sa loob ng bawat puso.