Isagawa Pagtukoy sa konsepte. Tukuyin ang salitang binibigyang-kahulugan sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel
1. Ang (encomienda bandala) ay ang sistema kung saan binibigyang-karapatan ng mananakop na pamahalaan ang isang teritoryo at mga mamamayan nito
2. Ang (polo / tributo) ang patakaran sa sapilitang paggawa
3. Ang (boleta Obras Pias) ay ang ticket na nagbigay-karapatan sa mga mangangalakal na makilahok sa kalakalang galyon.
4. Ang (Samboangan / falua) ay ang buwis na binabayaran ng mga taga-Zamboanga sa mga Espanyol para sa pasupil sa mga Moro
5. Ang (vinta / samboangan) ay ang buwis na binabayaran ng mga naninirahan sa may pampang ng kanlurang Luzon bilang tulong sa pagdepensa ng mga lalawigan dito mula sa banta ng mga Muslim
6. Ang (bandala / boleta) ay ang patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaan ng aning mga magsasaka sa mababang halaga.
7. (Gobernadorcillo / Encomendero) ang sumingil ng buwis sa mga tao.
8. Ang (tributo / falua) ay katumbas ng vinta ang siningil sa mga taga-Camarines Sur, Cebu, Misamis at karatig na mga lalawigan.
9. Ang (tributo / bandala) ay ang sistema ng pagbubuwis ng salapi o katumbas na halaga sa ani
10. (Boleta / Polista) ang tawag sa mga manggagawa sa sapilitang paggawa.