Kartílya ng Katipúnan” ang popular na tawag sa akda ni Emilio Jacinto na naglatag ng mga batas at prinsipyo ng Katipunan at nagsilbing gabay para sa mga kasapi nitó. May katulad ding akda si Andres Bonifacio na pinamagatan namang “Katungkulang Gagawin ng mga Z.Ll.B.” ngunit ipinasiya niyang ang isinulat ni Jacinto ang ikabit sa sinusumpaang kasulatan ng magiging kasapi ng Katipunan.