👤

gumawa ng panata na nagsasaad kung paano makakatulong sa paglutas ng mga isyung pangkapaligiran.​

Sagot :

Paglutas ng Suliraning Pangkapaligiran

Bilang isang mag-aaral, naniniwala ako na marami akong pwedeng gawin upang masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa ating bansa ngayon. Narito ang ilan sa mga suhestiyon ko:

Pagkakaroon ng isang clean-up drive kasama ang aking mga kamag-aral. Maaaring linisin ang buong barangay, ang mga ilog, o ang mga baybayin.

Ituro sa mga kamag-aral at mga taong kakilala ang kahalagahan ng pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan. Ito ay para mabawasan ang mga bagay na bumabara sa mga kanal na nagiging dahilan ng malawakang pagbaha.

Magpopost ako sa internet ng mga video kung paano mapapangalagaan ang kalikasan. Pipilitin kong mag-viral ang videong ito upang maabot nito ang mas marami pang tao.