👤

Nais mo bang maging tugma ang alam mong tama sa iyong ginagawa at malinang ang
tamang paggamit ng isip at kilos-loob? Narito ang paraan kung paano ito isasakatuparan.
Sundan ang mga hakbang:
1. Mula sa mga nakatalang tungkulin sa Unang bahagi(unang lingo) ng SIPacks titik G.
Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Pagsasabuhay), pumili ng tatlo na
Nais mong paunlarin upang magtugma ang alam ng iyong isip sa ginagawa ng iyong
kilos-loob.
2. Tukuyin din ang paraan o hakbang na iyong gagawin. Sa tapat ng bawat paraan ay
maglagay ng pitong kolum na kakatawan sa pitong araw na mayroon sa isang linggo.
3. Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung naisagawa sa naturang araw ang pamamaraan na
naitala at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa loob ng isang linggo. Gamitin mong gabay
ang halimbawa sa ibaba.​