👤

Paano mo kahaharapin ang mga pagsubok na dumadating sa iyong buhay taglay ang pagkakaroon ng lakas ng loob, pagiging mapagsiyasat, positibong hinaharap ang mga suliranin? Naniniwala ka bang kailangang maging malikhain at mapamaraan ng isang tao upang masolusyonan ang kanyang mga problema?

Sagot :

Paano  haharapin ang mga pagsubok na dumarating sa buhay

Ang buhay ay sadyang maraming pagsubok. Ngunit ang pagsubok na ito ang nagpapatatag sa tao kapag ito ay kanyang mapag tagumpayan. Ang pagsubok ang siyang nagbibigay ng leksyon sa mga tao na nakakaranas nito. Paano nga ba haharapin ang mga pagsubok na dumarating sa buhay? Ito ang aking mga ginagawa: Ito ay pinagkakatiwala ko sa Diyos, Hinaharap ko ang mga pagsubok ng buong tapang at tiwala sa sarili. Kailangan din na maging positibo at lakasan ang loob upang hindi mapanghinaan nito.

Ano ang pagsubok?

Ang pagsubok ay ang mga suliranin na hinaharap  ng mga tao sa kanilang buhay.

Pagsubok: brainly.ph/question/740081