Answer:
Pagmamano
Explanation:
Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa
nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at
paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng mano po. Madalas itong ginagawa
bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Maagang itinuturo sa mga
bata ang pagmamano bilang isang tanda ng paggalang.