Sagot :
Answer:
Nararamdaman na natin ang epekto ng kawalan o kakulangan sa tubig lalung-lalo na sa mga lugar dito sa ating bansa kung saan napakalaki ng populasyon tulad ng Kamaynilaan at iba pang mga parte ng Luzon, Visayas, at ganundin dito sa Mindanao.
Lingid sa ating kaalaman, ang Zamboanga City at ilang kalapit na mga bayan ay nakararanas na ng pagrarasyon ng tubig dahil sa kakulangan ng suplay nito sa kanilang lugar. Karaniwang nangyayari ito tuwing tag-init kung saan bumababa ang lebel ng tubig at halos natutuyo na ang mga pinagkukunan ng tubig sa mga apektadong lugar.
Explanation: