👤

mabuting epekto ng immigration ​

Sagot :

Answer:

Humigit-kumulang na sa 2.2 million ang naitala ng Philippine Statistic Authority na bilang ng mga Pilipinong nangingibang-bansa o ang tinatawag na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa taong 2016 at patuloy pa ang pagtaas nito. Milyon-milyon na ang mga Pilipinong sumusugal ng kanilang kapalaran upang makahanap lamang ng ilaw at pag-asa upang may maipangtustos sa pamilya. Hahamakin na ang lahat maibigay lang ang magandang kinabukasang hinahangad ng bawat pusong ang nais lang ay maayos na buhay.

Marahil ang unang papasok sa ating isipan kapag narinig ang salitang migrasyon ay ang pangingibang bansa ng mga tao upang makahanap ng magandang trabaho at malaking pasuweldo o ang pagtira ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Hindi nga naman nagkakalayo ang tumatak sa isipan ng mga Pilipino at ang kahulugan mismo ng migrasyon. Hindi lang ito pumapatungkol sa mga mamamayang nangingibang-bansa. Ang kahulugan ng MIGRASYON ay ang paglipat ng mga tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian o ‘di kaya’y pangmatagalan. Maraming dahilan kung bakit ito nagaganap, dahil sa kabuhayan, tirahan, edukasyon, oportunidad, at dahil din sa mga sakunang nagaganap sa kanilang pinanggalingan. Hindi lang overseas nagaganap ang migrasyon dahil sa kahit anong rehiyon o lugar na kapag ang tao ay lumipat ito’y maituturing na migrasyon.

Isa sa magandang epekto ng Migrasyon ay ang pag-unlad ng buhay ng imigrante. Dito mas makakakita siya ng mas maraming oportunidad na siyang makakatulong sa pag-ganda ng kaniyang buhay.

Explanation

Hope it help pi;)