A. Aristotle B. Aristotle (de Torre, 1980) C. William James D. Emerson E. Webster's Dictionary 1. Ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga 2. Ang pagkakaibigan ay hindi ibinabatay sa simpleng pagkagusto at sa kagalakan dahil sa presensya ng isang tao. 3. Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba 4. Ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon 5. Ang pagsisikap ng sinuman na alagaan ang ugnayan sa isang kaibigan ang nagpapatingkad ng halaga ng isang samahan 6. Natural na hangarin ng isang tao na makipagkaibigan sa kaniyang kapwa 7. Ang pakikipagkaibigan ay likas na dumadaloy sa isang tao dahil likas sa kaniya ang magmahal 8. Ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila 9. Iingatan at aalagaan ang iyong kaibigan upang magiging pangmatagalan o panghabangbuhay ang inyong pagkakaibigan 10. Naiaangat ang antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng isang lipunan dahil sa malalim na aspekto ng pakikipagkaibigan