Panuto: Surün ang sumusunod na mga pahayag ukol sa mga resulta at pagbabagong naganap sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI naman kung hindi. 1. Nagdulot ng pantay na pagyaman ng mga Pilipino ang mga patakarang pangkabuhayang ipinatupad ng mga Amerikano. 2. Natutong magsuot ang mga babae ng mga bestidang kanluran ang tabas. 3. Ang paglawak ng ruta ng tren ay nakasagabal sa pagpapaunlad ng kalakalan sa iba't ibang lalawigan sa Pilipinas. 4. Nagkaroon ng kalayaan sa pagsamba ang mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. 5. Ang pagsusuot ng mga sapatos na mataas ang takong ay nakuha sa kulturang Amerikano. 6. Sa kaugaliang Amerikano, pangalan ng mga Santo ang ipinangalan sa mga bagong panganak na sanggol. 7. Dati ay mahigpit ang pagkakabuklod ng pamilya ngunit naging maluwag ito dahil sa impluwensya ng kulturang Amerikano. 8. Ang dating payak at simpleng pamumuhay ng ating mga ninuno ay hindi nagbago nang dumating ang mga Amerikano. 9. Dahil sa makabagong impluwensiya ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na malinang ang kanilang talento. 10. Napaunlad ang wikang Filipino nang madagdagan ng mga salitang halaw sa salitang Ingles.