Sagot :
Answer:
Sagot:
Ipinaglaban nina Romeo at Juliet ang pag-ibig nila sa isa't isa sa pamamagitan ng pagiging tapat at matapang sa kalagitnaan ng mga hadlang sa kanilang pagmamahalan.
buod / pagpapaliwang ng kuwento:
Unang hadlang na ipinapakita sa kwento ay ang matinding pag-aawayan ng pamilya Montagues at Capulets. Bawat pamilya ay may iisang anak na nag-iibigan ng tunay. Alam nila na hindi sila maaari na magkasama dahil sa kani-kanilang pamilya, kaya ginagawa nila ito ng patago.
Ang pangalawang hadlang ay nang napatay ni Romeo si Tybalt at kailangan niya ito na lumayo at magtago. Ngunit patuloy pa rin na sumidhi kanilang pagmamahalan.
Nagkaroon na naman ng pangatlong hadlang ang kanilang pagmamahalan nang tumanggi si Juliet sa kanyang ama na magpakasal kay Paris. Ngunit hindi pumayag si Juliet kahit pa man pinagbantaan siya ng kanyang ama na hindi na kilalanin bilang isang anak.
Sa wakas, dahil hindi kaya ni Juliet na magpakasal sa taong hindi niya mahal, handa siyang sumubok sa temporaryong kamatayan na ikinalulungkot ni Romeo. Naniwala siyang patay na ang kanyang minamahal at uminom ito ng lason. Pagkagising ni Juliet nakita niya si Romeo na patay na, sinaksak din niya ang kanyang sarili.
Kaya nagpapatunay ito sa kanilang katapatan at tapang na kayang tahakin ang pag-ibig kahit katumbas ay kamatayan.
Explanation:
carry on learning