Sagot :
Answer:
SUMISIMBOLO SA SARILI
1. Aklat sapagkat bawat araw na lumilipas ay mahalagang bahagi ng ating pagkatao, natutunan nating malampasan at matutunan kung bakit natin nararanasan ang isang bagay, katulad ng bawat pahina ng aklat na mayroon tayong mapag-aralan at matutunan mula sa mga ito. Kung ating napagaralan ang bawat kabanata ng aklat, siguradong pagnatapos nating ang isang libro ay marami tayong nabaong kaalaman, katulad na lamang sa ating sarili kung ating pinag-iisipan ang mga desisyon na ating ginagawa tiyak na sa huli tayo ay magtatagumpay.
2. Baso- ang baso ay ginagamit upang paginuman ng tubig kapag ang tao ay nauuhaw, katulad ng aking sarili nais kong rin maging kasangkapan upang mapunuan ang isang pangangailangan ng tao, maging uhaw sa pagmamahal, uhaw pag- aaruga at uhaw sa pangangailangan.
3. Wallet- ito ay ginagamit upang itago o masinop ang isang mahalagang bagay, maaaring pera, atm card , picture at iba pa. sumisimbolo sa aking sarili na kapag napagkwentuhan ng mahahalagang bagay ay hindi kailangan ipagsabi sa iba, ako ay masekretong tao.
4. Tsinelas- ginagamit ito ng paa upang makalakad patungo sa nais puntahan, sumisimbolo ng aking sarili na patuloy sa paglalakad upang maabot ang pangarap.
5. Unan- ginagamit sa pagtulog upang ang ulo ay makahiga ng komportable parang ang sarili ko nais tumulong sa tao na siya ay komportable na kasama ako. Ginagamit rin ito tuwing magpapahinga, matulog at magrelax, nawa ang taong makakasama ko habang buhay ay magiging masaya akong kapiling na parang unan, kapag ikay natutulog ay napakasarap katabi.
6. Kaldero na ginagamit sa pagluluto, bilang isang babae ako ay marunong sa gawaing kusina upang ang aking magiging mga anak ay makakain ng masustansyang pagkain, at busog sa aking pagmamahal tulad ng kaldero na ginagamit sa pagluto upang mabusog ang tiyan ng tao, ganun rin ang aking pamilya upang mabusog ng pagmamahal.
Explanation:
Para sa karagdagang impormasyon buksan ang link na nasa ibaba;
brainly.ph/question/594252
brainly.ph/question/158556
brainly.ph/question/664364