👤


5. Sariwa ang hangin sa bukid. Alin dito ang payak na kayarian ng pang-uri?
A. Ang
B.Bukid
C. hangin
D. sariwa


Sagot :

Kasagutan:

5. Sariwa ang hangin sa bukid. Alin dito ang payak na kayarian ng pang-uri?

A. Ang

B.Bukid

C. hangin

D. sariwa

Ang pang-uri ay ang sariwa dahil nilalarawan nito ang pangngalan na hangin. Ito ay payak din dahil wala itong panlapi at salitang ugat lamang.

Ano ang pang-uri?

Ito ay isang salita na naglalarawan ng pangngalan o isang panghalip.

Salitang ugat at Panlapi

Ang salitang ugat ay mga salita na katulad ng sayaw at isip na walang lapi. Ang panlapi naman ay may 3 uri. Una ang unlapi na dinudugtong sa unahan ng salitang ugat. Ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang ugat. Ang hulapi naman ay matatagpuan sa hulihan ng salitang ugat.

Salitang may lapi ng araw:

  • Araw (Salitang ugat) + An (hulapi) = Arawan
  • Ka (Unlapi) + Araw (salitang ugat) + An (hulapi) = Kaarawan
  • Ma (Unlapi) + Araw (salitang ugat) = Maaraw