Sagot :
Answer:
Ang sabi nga nila, Books are the key to knowledge. Dahil ang aklat sa kailangan ng guro, mag-aaral, at mamamayan. Dito natin malalaman ang mga impormasyon na kailangan nating malaman at maari din taong makakuha ng inspirasyon.
Explanation:
pa brainlest please
Answer:
Pagpapakatao:
Ang pagpapakatao ay sumasagot sa tanong na kung sino ang tao o anong uri ng tao ang isang indibidwal. Ito rin ay karaniwang binubuo ng mga katangian na nagpapabukod - tangi sa isang tao sa tuwing siya ay inihahambing sa kanyang kapwa.
Upang higit na maunawaan ang depinisyon ng tao, sumangguni sa link na ito: brainly.ph/question/1479285
Tatlong Yugto ng Pagka - Sino ng Tao:
- Ang tao bilang indibidwal - Bilang indibidwal, ang tao ay inaasahang kumilos ayon sa kanyang edad, antas, at uri ng pamumuhay.
- Ang tao bilang persona - Bilang persona, ang tao ay inaasahan na magsumikap upang maging ganap na siya.
- Ang tao bilang personalidad - Bilang personalidad, ang tao ay inaasahan na magkaroon ng matibay na tiwala at pagpapahalaga sa sarili, tapat sa kanyang sarili, at sa kung anong uri siya ng tao.
Upang higit na maunawaan ang yugto ng pagka - sino ng tao, sumangguni sa link na ito: brainly.ph/question/1555737
Tatlong Katangian ng Pagpapakatao:
- may kamalayan sa sarili
- may kakayahang kumuha ng buod
- umiiral na nagmamahal
Mga Halimbawa ng Katangian ng Pagpapakatao:
Ang pagkakaroon ng kamalayan ng tao ukol sa kanyang mga kalakasan at kahinaan. Ang mga kalakasan na maaaring binubuo ng talento, karangalang natamo sa pag - aaral at kabutihang - asal. Samantalang ang mga kahinaan naman ay ang mga takot sa iba't ibang bagay, lugar, o pangyayari.
Ang pagkilala ng tao sa kanyang mga talento na maari niyang ibahagi sa iba. Ilan sa mga pangkaraniwang talento ng tao ay pagsayaw, pag - awit, dula o pag - arte.
Ang kakayahan ng tao na magbigay ng kanyang hinuha ayon sa mga pangyayaring personal nasaksihan o naranasan.
Ang pagkakaroon ng pang unawa kung bakit nagyayari ang mga bagay bagay maging ito man ay inaasahan o hindi.
Ang kakayahan ng tao ng mag - alay ng pagmamahal sa iba tulad ng pagmamahal ng magulang sa anak, anak sa magulang, kaibigan sa kaibigan, at ang romantikong pagmamahal para sa kapwa na kabilang sa opposite sex.
Upang higit na maunawaan ang katangian ng pagpapakatao, sumangguni sa link na ito: brainly.ph/question/554150
Explanation:
PA brainliest po