👤

GAWAIN Gawain 1: TUKOY-ELASTISIDAD Panuto: Isulat ang E-kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Elastic, I.E kung Inelastic, U- kung Unitary, P.E kung Perfectly Elastic at P.I.E kung Perfectly Inelastic.

_____ 1. Ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded ay pareho.

_____ 2. Ang mamimili ay handang tumanggap sa anumang pagtaas ng presyo. Ang dami ng bibilhing produkto o demand ay hindi magbabago.

_____ 3. Ang bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded ay mas malaki kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo.

_____ 4. Ang mamimili ay walang kakayahan na bawasan ng mas marami ang demand sa bawat pagtaas ng presyo dahil kailangang-kailangan ang mga produkto o serbisyo na bibilhin.

_____ 5. Ipinapakita rito na sa iisang presyo, ang quantity demanded ay hindi matanto o mabilang.​