👤

sagutin ang mga tanong batay sa bjnasang pabula. isulat ang sagot sa iykng sagutang papel​

Sagutin Ang Mga Tanong Batay Sa Bjnasang Pabula Isulat Ang Sagot Sa Iykng Sagutang Papel class=

Sagot :

Answer:

Mula sa pabulang "Ang Pasaway na Palaka"

1. Ang problemang pinalutang sa kwento na nararanasan din ng tao ay ang ay pagiging sutil ng isang anak sa kanyang mga magulang. Ang palakang nasa kwento ay nagpapakita ng isang di kaaya-ayang ugali tungo sa kanyang ina. Naging matigas ang kanyang ulo. Tulad rin ng isang bata, nangyayari din ito. Karamihan sa mga bata ngayon ay sutil at hindi na nakikinig sa kanilang mga magulang lalo na't mayroon na tayong tinatawag na "cellphone" na isa sa naging dahilan ng kanilang pagiging sutil.

2. Katangian ng mga tauhan sa pabula:

•Inang palaka-- Si inang palaka ay may mahabang pasensya. Mapagmahal na ina at handang intindihin ang kanyang anak kahit ito'y sutil. Kahit ang kanyang ay may katigasan ng ulo, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa at patuloy na sinubukang ito ay pangaralan. Hanggang siya ay lumisan, hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang anak.

•Berdeng Palaka-- Ang berdeng palaka o ang anak ng inang palaka ay isang sutil. Ito ay ubod ng katigasan ng ulo. Anuman ang sasabihin ng kanyang ina ay balewala lang sa kanya at kabaligtaran nito ang kanyang gagawin. Pero kahit na may katigasan ng ulo ang berdeng palaka, mahal niya pa rin ang kanyang ina. Labis ang kanyang pagsisisi sa lahat ng kamalian noon iniwan na siya ng kanyang mahal na ina.

3. Mula sa aking sariling karanasan, mayroon din akong isang pangyayaring naaalala tuwing may isang bagay na nagaganap. Tulad na lamang ng pagkakaroon ng isang amoy ng halamang bulaklak na kalachuchi, naaalala ko rito ang mahal na kapatid ng aking ina na sumakabilang buhay na. Ito ang isang ala-ala ko sa kanya na hindi ko makakalimutan.

4. Sa palagay ko, Oo. Mabisa ring gamitin ang isang hayop na tila nagsasalita at kumikilos bilang tauhan ng isang kwento upang ang isang bata ay mananabik na ito'y basahin o pakinggan. Sapagkat gusto nila ang mga kwentong nagbibigay aliw sa kanila. Ngunit kinakailangan pa rin ang gabay ng magulang upang maiwasan ang maling pagkaintindi ng mga bata sa isang napakinggan o nabasang kwento.

#BRAINLYEVERYDAY