👤

magbigay ng tatlo hanggang limang PARAAN ng paghahanda ng mga inaning produkto sa pamilihan.​

Sagot :

Explanation:

1. Pag-aani at pagsasapamilihan

2. Pag-aani – Paraan ng pagpitas ng bunga o gulay sa panahong maari na silang dalhin sa pamilihan Iba’t-ibang salik sa Pag-aani Presyo ng gulay sa pamilihan Layo ng taniman sa pamilihan Tagal ng pagtatago ng inaning gulay bago ito dalhin sa pamilihan.

3. Mga dapat isaalang-alang sa pag-aani 1. Kamatis – Inaani ito bago pa man ito mahinog. Ito dapat ay berde at magulang na. 2. Repolyo – Inaani kung sapat na ang laki at handa nang anihin. 3. Sili – Inaani habang berde pa ito. 4. Singkamas at Labanos – Inaani bago pa ito maging magulang. Sa panahong ito, matamis at malutong ang singkamas at labanos. 5. Letsugas – Inaani bago pa man magsimulang umusbong ang mga buto. 6. Okra – Inaani habang malutong at bata pa

4. Mga dapat Tandaan sa pagtatago 1. Gumamit ng wicker basket sa pagtatago ng gulay. Maiiwasan ang mabilisang pagkahinog nito .

5. Mga dapat Tandaan sa pagtatago 2. Malinis at matibay dapat ang gagamiting wicker basket. 3. Uriin muna ang laki, edad, at hugis ng gulay bago ito ilagay sa basket. Ihiwalay ang hinog sa mga hilaw pang produkto. 4. Sa pag-aani ng prutas o bungang halaman tulad ng papaya, manga, at pinya, unang ilagay sa ilalim ang mabibigat at hilaw pang bunga at sa ibabaw ang magagaan at manibalang na bunga. 5. Itago sa malamig at tuyong lugar ang produkto. 6. Ilagay ang produkto sa isang malinis na lugar na walang langgam, ipis, at iba pang nakapipinsalang insekto. 7.Ingatang mabuti ang paglalagay ng prutas sa mga kahon o basket upang hindi ito magalusan. 8. Alalahanin lagi, nabibili sa mataas na halaga ang mga produktong may magaganda at maayos na porma at hugis.