Sagot :
- KARAPATANG PANTAO
Paglabag:
Ang pagdukot , kidnapping, pambubugbog gayang hazing, pagputol sa anumang parte ng katawan o mutilation, lalona ang pagkitil sa buhay ay mga pisikal na paglabag.
Ano ang angkop na kilos upang matuwid ito:
Magkaroon ng mas matibay na batas na nagsasaad ng karapatang pantao ng mga mamamayan.
- KARAPATAN SA MALAYANG PAGPAPAHAYAG NG OPINYON AT IMPORMASYON.
Paglabag:
Ang pagpapatigil sa mga mamamahayag na mag-cover o magbalita ng mga pangyayari kung saan mang lupalop ng pilipinas, Mapaloob man o mapalabas ng bansa.
Ano ang angkop na kilos upang matuwid ito:
Dapat nilang gawin ng maayos ang trabahong kanilang napasukan. Dapat palagi nilang itatak sa isip at sa puso nila kung gaano kahalaga ang kanilang ginagampanang posisyon. Dapat wala silang pinapanigan at dapat walang halong kasinungalingan ang mga lumalabas sa kani-kanilang bibig.
- KARAPATAN SA PAGPILI NG PROPESYON
Paglabag:
Ang hindi pagbibigay ng kalayaan sa pagpili ng propesyon na kanyang karapatan.
Ano ang angkop na kilos upang matuwid ito:
Intindihin nang mabuti ang kakayanan at kahinaan ng tao para sa isang propesyon. Suriin ng mabuti kung may sapat ba na kaalaman ang taong ito, kung mahal niya ba talaga ang propesyon na kanyang kinukuha o baka ito ay napipilitan lamang. Maaari din na kausapin ang ating magulang tungkol sa kung ano ang gusto natin at ipa-intindi sa kanila ang iyong saloobin habang maaga pa.
Explanation:
Hope it helps you! Thank me later. :)