👤

Pangako: Hindi Dapat Mapako

Isa si Luis sa mga mag-aaral sa ikaanim na baitang. Ang mga magulang ni Luis ay

masipag at may isang salita. Laging sinasabihan ng kaniyang mga magulang si Luis,

“Kapag ikaw ay nangako o nagbitaw ng isang salita, dapat mo itong tuparin. Malaki ang

pananagutan ng tao sa bawat salitang sinasambit niya.”

Nagkaroon ng isang Paligsahan sa Paaralan. Isa si Luis sa mga napili bilang kinatawan

ng kaniyang seksiyon upang magsalita sa paligsahan sa pagtatalumpati. Mahirap lang ang

pamilya ni Luis ngunit maayos sa gamit. Pero nais ni Luis na maging sa entablado ay maayos

din siyang tingnan. Ang puting polo at itim na pantalon niya ay maayos pa ngunit ang kaniyang

sapatos na itim ay sira na. Sinabihan ng kaniyang Ina si Luis na manghiram muna siya ng

sapatos sa kaniyang pinsan. Nakahiram si Luis at sinabi niya na ibabalik din ito pagtapos ng

paligsahan. Dumating ang araw na itinakda para magtalumpati si Luis sa kaniyang paaralan. Si

Luis ay nanalo bilang pangalawa ngunit nagustuhan ng mga hurado ang kaniyang talumpati at

nais siyang isama sa pang-rehiyon na patimpalak. Nagagalak si Luis ngunit nangako siya na

isasauli agad ang hiniram niyang sapatos. Payo ng kaniyang mga magulang na kapag

nangako, dapat tuparin mo kahit na kailangan mo pa ito. Ang salita mo ay marapat mong

pangatawanan. Dahil yan ang nagsasabi kung anong klase at may pananagutan ka lagi. Kahit

mahirap lamang, may dangal at pananagutan ka. Isinauli ni Luis ang hiniram niyang sapatos.

Nalaman ng gurong tagapayo ni Luis at sinabi niya ito sa mga hurado. Bilang premyo ay

binigyan si Luis ng bagong sapatos.

1. Sa lahat ng pagkakataon ay dapat tayong tumupad sa ating ipinangako?

Bakit?

_______________________________________________________________

_

_______________________________________________________________

_

_______________________________________________________________

_

2. Ano ang kabutihang maidudulot ng pagtupad sa pangako?

_______________________________________________________________

_

_______________________________________________________________

_

_______________________________________________________________​


Sagot :

Answer:

1.opo,kasi po malulungkot po ang ating sinabihan ng ating pangako

2.magiging masaya po ang mga tao na iyong sinabihan ng pangako at maeami ding magtitiwala sayo

Explanation:

brainliest answer po

Answer:

1.dahil, Yan Ang nagsasabi kung anong klase at may pananagutan ka lagi.

2. Ang kabutihang maidudulot into ng pagtutupad ng acting pangako ay nagpapasaya ito ng ating pinangakuan dahil natupad natin Ang ating pangako sa kanila.