👤

Puntos: A Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel kung Tama o Mali ang ipinapahayag ng bawat pangungusap. 1. Itinatag ang Pamahalaang Sibil ng mga Amerikano upang mapigil ang pag-aalsang maaaring sumiklab sa bansa. 2 Nagbigay daan ang Susog Spooner upang palitan ang pamahalaang sibil ng pamahalaang militar. 3. Itinatag ang pamahalaang militar ng mga Amerikano sa bansa noong Agosto 14, 1898 sa pamumuno ng isang pangulo. 4. Sa ilalim ng pamahalaang Sibil nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makalahok sa pamahalaan. 5. Sa Pamahalaang Militar ang kapangyarihan ng gobernador-militar ay tagapagpaganap, tagapagpatibay ng batas, at tagapaghukom. 6. Si Heneral Wesley Meritt ang kauna-unahang gobemador-militar 7. Sa Patakarang Kooptasyon binigyang karapatang bumoto ang mga kababaihang may 23 taong gulang na nakababasa at nakasusulat 8. Bumuo ng mga misyon ang mga Pilipino upang makamit ang minimithing kalayaan 9. Ang lahat ng kagustuhan ng mga Pilipino ay nailagay sa Saligang Batas 1935 10. Ayon sa Batas Tydings-McDuffie, ang pagtatatag ng Malasariling Pamahalaan sa Pilipinas​