👤

Ipaliwanag ang kasabihang "Walang bansang umunlad ng walang sariling wika at panitikan."

Sagot :

Answer:

Napakahalaga ng wikang Filipino at panitikan sa pagpapalalim ng mapanuri, malikhain, malaya, at mapagpalayang kakayahan ng mga mag-aaral at mamamayan, anuman ang kanilang kurso, disiplina at larangan ng pagpapakadalubhasa. Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo, bagkus ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa pamantasan, bansa, at buhay.

Explanation:

Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika na itinakda ng Konstitusyon ng Pilipinas. Patuloy itong pinayayabong ng lahat ng mga wikang ginagamit at pinauunlad ng mamamayan. Ang wikang Filipino at panitikan ay mga sandata sa pagtataguyod ng katotohanan at katuwiran, lalo na sa panahon ng kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at krisis panlipunan. Kasalanan at kataksilan sa bayan ang pagtanggal ng wikang Filipino at panitikan sa hanay ng mga aralín sa kolehiyo o anumang antas ng paaralan. Mahigpit ang pangangailangang itanghal at ipaglaban nating lahat ang wikang Filipino at panitikan!

Sana makatulong

pa brainliest po