👤

Alin ang pangunahing layunin ng pamayanang Sparta

Sagot :

Answer:

Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng mga kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo – militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.

Estatwa ni Haring Leonidas bayani ng Labanan ng Thermophylae

Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mga pag-aalsa ng mga helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging matatag. Di tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang ginagampanan sa lipunan, ang mga kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masaya silang nanonood ng mga palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.

Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labu – labo kung makipagdigma ang mga Greek. Oo nga’t sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban, sila ay nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.

Higit na binigyang halaga ng Sparta ang pagkakaroon ng malalakas at magagaling na sundalo. Nanatili rin ang Sparta sa pagkakaroon ng pamahalaang Oligarkiya.