👤

Isulat kung Tama o Mali ang isang pahayag. 1. Napansin ng mga Espanyol ng dumating sila sa Pilipinas na karamihan sa mga katutubo ay nakatira malapit sa mga ilog, sapa o dagat. 2. Nalayo sila sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan at nawalay sa mga kamag-anak ay ang mga positibong epekto ng reduccion sa mga katutubo. 3. Ang pagpapatupad ng patakarang reduccion ay naging instrumento ang mga ito upang mapadali ang pagsailalim ng mga katutubo sa kapangyarihang Espanyol. 4. Ang kalakalan ng mga sinaunang Pilipino ay naganap sa mga lugar na bulubundukin. 5. Ang mga sibilisadong tao para sa mga Espanyol ay nakatira sa isang pamayanang may pagkakaayos kung saan may sentro. 6. Ang ating mga katutubo ay piniling manirahan sa kabundukan sapagkat dito sila kumukuha ng kanilang pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain at tubig. 7. Paghuli sa mga lumabag sa batas ay nagbibigay kalituhan para sa mga katutubo na ipinapatupad ang reduccion. 8. Kailangan ang sentro ng pamayanan ay may palengke upang maging mas madali ang pagbinyag sa mga katutubo sa bagong relihiyon. 9. Magkakahanay ang pagkaayos ng pamayanan noong unang panahon dahil sa sinusunod lamang ng mga kabahayanang direksiyon ang dalampasigan. _10. Masasabing mabisang pamamaraan ang reduccion, sa pagpalaganap ng Kristiyanismo.​