C. Mahirap Panuto: Basahin ang maikling kuwento. Punan ang graphic organizer ng mga maaaring kalalabasan ng kuwento. (10pts) Si Kokoy Palaboy Si Kokoy ay isang batang palaboy sa kalye ng Maynila. Ulila na siyang lubos kaya't makikita mo siyang pakalat-kalat lang sa kalye. Minsan namumulot siya ng tira-tirang pagkain sa basurahan upang may makain, nanlilimos o kaya'y nagkakargador. Sa ilalim ng tulay ang kaniyang tahanan at isang maliit na karton ang kaniyang higaan. Minsan napapaisip si Kokoy, ano kaya ang mangyayari sa kaniya pagdating ng panahon? 0 Mga Maaaring mangyari kay Kokoy Palaboy