POUKAS On The Gawain sa Pgkatuto Bilang 2: Basahin ang mga paraan kung paano gawin ang isang bagay o gawain. Isulat ang letra ng wastong pagkakasunod-sunod. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno. 1. Naglaba si Maria. Pagsunod-sunurin mo ang ginawa niya. A. Binanlawan niya ang mga damit. B. Ihihiwalay ni Maria ang puti sa may kulay. C. Isinunod niya ang may kulay na damit pagkatapos ng puti. D. Inuna niyang ilagay ang puting damit sa washing machine at nilagyan ng sabon. 2. Nagluto ng atsarang papaya si Zia. Pagsunod-sunurin ang ginawa niyang hakbang. A. Binalatan at ginadgad niya ang papaya. B. Inihanda niya ang ibang sangkap gaya ng sibuyas sili, karots, pasas, at suka. C. Inilagay niya sa bote ang pinaghalong sangkap. D. Piniga niya ang papaya. 3. Nagsaing si Joseph. Pagsunod-sunurin ang ginawa niya. A. Hinugasan niya ang bigas. CABAR B. Hinintay niyang kumulo at main-in ang sinaing. C. Nilagyan niya ng sapat na bigas at tubig ang kaldero. D. Inilagay niya sa kalan at iniluto ang bigas.