1. Ano ang pinapaksa ng awiting bayan na si "Si Felimon"? A. kaugalian B. pananampalataya C. karanasan D. gawain o hanapbuhay 2. Sa awiting-bayan na "Lawiswis Kawayan", binanggit na magpapaalam muna ng dalaga sa kanyang ina bago siya sumama o pumayag sa paanyaya ng kasintahan. Anong kultura sa Kabisayaan ang ipinakikita nito? A. Paggalang at pagsunod sa tagubilin ng magulang. C. Pagmamahalan ng magkasintahan. B. Pagpapakita ng pagmamahal sa kasintahan D. Pagsuway sa magulang. 3. "Si Felimon, si Felimon, sa karagatan." Ano ang salitang nawawala sa awiting "Si Pilemon"? A. namasyal B. naglangoy C. namasyal D. namiyesta 4. Anong kultura ang ipinakikita sa awiting-bayan na "Diyona"? A. paghihiwalay ng ikakasal C.panahon ng pamamanhikan o pagpaplano bago ikasal B. pagkasawi ng dalawang nagmamahalan. D. pagsusuyuan ng magsing-irog 5. Anong sinaunang panitikan ang tinutukoy sa pinagmulan at lumikha ng partikular na bagay, lugar, kaganapan na batay sa isang mahiwagang pangyayari? A. Mito B. Awit C. Kasaysayan D. Alamat 6. Ang manggagamot na ipinatawag ng Datu sa kaniyang tanod sa "Alamat ng Bohol" ay may katumbas sa mga Tagalog na? A Doktor B. Hilot C. Albularyo D. Suob 7. Paghahambing na may higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. A. Paghahambing na magkatulad C. Paghahambing na di-magkatulad B. Pahambing na Palamang D. Pahambing na Pasahol 8. Ang mga salitang di-gaaano, di-gasino, di-hamak, di-lubha ay ginagamit sa paghahambing na A. magkatulad B. di magkatulad C. palamang D. pasahol 9. "Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke. Ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba." Ano ang mahihinuha ninyo sa tauhan sa awit? A. Nagnenegosyo ng tuba. C. Gumagawa ng tuba. B. Mahilig uminom ng tuba. D. Nagdadala ng tuba sa palengke. 10. "Ang dalaga naman ay biglang umiyak. Luha ay tumulo sa dibdib pumatak. Binata'y naawa lumuhod kaagad." Sa linyang ito ng awiting-bayan na "Lawiswis Kawayan", anong kultura ang ipinapakita dito? A. Ang mga binata ay mabilis na humihingi ng tawad sa kasintahang nasaktan. B. Hinahayaan na masaktan ang kalooban ng kanyang nobya. C. Nagmamakaawa ang binata na siya ay patawarin sa nagawang pagtataksil. D. Ipinagtatanggol ang sarili sa nagawang pagkakamali sa nobya. 11. "Ano ang trabaho ng iyong "bana", nakikita ko siya maagang umaalis ng inyong bahay?" Ang kahulugan ng salitang "bana" ay: A. asawang babae B. kapatid na lalaki C. kapatid na babae D. asawang lalaki