👤

1.Nabuo ang Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 8, 1935 dahil sa probisyon ng Batas Tydings-McDuffie na magkaroon na ng pagsasarili ang bansa.

(Tama)
o
(Mali)

2.Ang Saligang Batas ay nagtakda ng tatlong sangay ng pamahalaan na magkahiwalay at pantay pantay ang mga tungkulin at pananagutan

(Tama)
o
(Mali)

3.Ang tatlong sangay ng pamahalaan ay binubuo ng Tagapagpaganap,Tagapagbatas, Tagapaghukom

(Tama)
o
(Mali)

4. Ang pagpapatibay ng Batas Tydings-McDuffie ang naging wakas ng mapayapang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan

(Tama)
o
(Mali)

5. Sa pagtatatag ng pamahalaang Komonwelt ay nawalan ng pag-asa sa mga Pilipino noon tungo sa bagong panahon sa kasaysayan ng bansa

(Tama)
o
(Mali)

6. Naging malaking suliranin ang ugnayan ng mga tao sa malayong lugar dahil sa mabagal na sistema ng komunikasyon

(Tama)
o
(Mali)

7. Noong una, mga sundalong Amerikano ang nagsisilbing guro sa mga paaralan

(Tama)
o
(Mali)

8. Walang naging suliraning pangkalusugan ang Pilipinas sa pananakop ng Amerikano

(Tama)
o
(Mali)

9. Naging maunlad din ang komunikasyon noong panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ipinakilala ang makabagong kasangkapan sa komunikasyon, tulad ng telepono, radio, radiophone, at telegraph.

(Tama)
o
(Mali)

10. Pagpapairal ng patakarang edukasyon para sa lahat ,walang bayad ang pag-aaral at libre ang mga aklat, lapis, at kuwaderno sa panahon ng Amerikano

(Tama)
o
(Mali)​