👤

=========================]
ANO ANG KOLONYA
=========================]
ANO ANG ESPANYA
=========================]
ANO ANG PORTUGAL
=========================]
ANO ANG LIMASAWA.
=========================]



SALAMAT PO SA SAGOT KAYLANGAN KO NA PO ITO KUNG MAY ALAM AT TAMA SAGOT BRAINLIEST KO. SALAMAT​


Sagot :

ANO ANG KOLONYA?

Ang kolonya ay ang lupang sakop o pook na nasasakupan. Ito rin ang tawag sa mga taong dumayo sa pook na sinakop, kasama ang naging mga kaapu-apuhan nila, partikular na ang nananatiling umuugnay sa bansa o inang-bayang iniwanan nila. Sa larangan ng biyolohiya, tumutukoy ang salita sa pagdami o kaya pagtubo ng mga mikroorganismo sa isang midyum na masustansiya. O kaya sa langkay o pangkat ng mga hayop na namumuhay ng magkakasama sa isang lugar o kolonisasyon, katulad halimbawa ng mga bubuyog.

ANO ANG ESPANYA?

Ang Kaharian ng Espanya(Kastila: Reino de España) ay isang soberanyang estado o bansang matatagpuan sa Tangway ng Iberya sa timog-kanlurang Europa. Ang pangunahing lupain ay hinahangganan sa timog at silangan ng Dagat Mediteraneo maliban na lamang sa maliit na mga hangganang lupa ng Gibraltar; sa hilaga at hilangang-silangan, ng Pransiya, ng maliit na prinsipado ng Andorra, at ng Look ng Vizcaya; at sa kanluran at hilagang-kanluran naman, ng Portugal at ng Karagatang Atlantiko. Kasama ng Pransiya at Maruekos, isa lamang sila sa tatlong bansa na may baybaying Atlantiko at Mediteraneo. Ang 1,214 km (754 mi) na hangganan ng Espanya sa Portugal ay ang pinakamahabang tuluy-tuloy na hangganan sa buong Unyong Europeo.

ANO ANG PORTUGAL?

Ang Portugal, o opisyal na tinatawag na Republikang Portuges (República Portuguesa [ʁɛˈpuβlikɐ puɾtuˈɣezɐ]), ay bansang matatagpuan sa timog-kanlurang Europa sa Tangway ng Iberia. Pinaka-kanluraning[9] bansa sa Europa ang Portugal, at natatabihan ng Karagatang Atlantiko sa kanluran at timog, at ng Espanya sa hilaga at silangan. Bahagi ng Portugal ang Atlantikong kapuluan ng Azores at Madeira na kapwang awtonomong rehiyon na may kanilang sariling mga pamahalaang rehiyonal.

ANO ANG LIMASAWA?

Isang maliit na pulô ang Limasáwa na sákop ngayon ng lalawigan ng Leyte at mahalaga sa kasaysayan dahil dito nagpunta si Fernando Magallanes pagkaraang unang dumaong at mamahinga sa “Homonhón” noong Marso 1521. Dalawang mahalagang pangyayari ang naganap sa Limasawa. Una, ang pakikipagsandugo ni Magallanes sa pinunò ng isla na si Raha Kulambu. Ito ang unang sandugo ng isang Filipino at ng isang Español. Ikalawa, ang tinatawag na “Unang Misa sa Filipinas” noong Linggo ng Pagkabuhay, 31 Marso 1521. Isinagawa ang misa ni Fray Pedro de Valderrama sa baybayin ng isla. Pagkatapos iniutos ni Magallanes ang pagtitirik ng isang malaking krus sa ituktok ng isang buról na nakaharap sa dagat.

HOPE THIS HELPS

KEEPSAFE MWA :)

Answer:

ANO ANG KOLONYA

Ang kolonya ay ang lupang sakop o pook na nasasakupan. Ito rin ang tawag sa mga taong dumayo sa pook na sinakop, kasama ang naging mga kaapu-apuhan nila, partikular na ang nananatiling umuugnay sa bansa o inang-bayang iniwanan nila.

ANO ANG ESPANYA

Ang Kaharian ng Espanya[8] (Kastila: Reino de España) ay isang soberanyang estado o bansang matatagpuan sa Tangway ng Iberya sa timog-kanlurang Europa. Ang pangunahing lupain ay hinahangganan sa timog at silangan ng Dagat Mediteraneo maliban na lamang sa maliit na mga hangganang lupa ng Gibraltar; sa hilaga at hilangang-silangan, ng Pransiya, ng maliit na prinsipado ng Andorra, at ng Look ng Vizcaya; at sa kanluran at hilagang-kanluran naman, ng Portugal at ng Karagatang Atlantiko.

ANO ANG PORTUGAL

Ang Portugal, o opisyal na tinatawag na Republikang Portuges (República Portuguesa [ʁɛˈpuβlikɐ puɾtuˈɣezɐ]), ay bansang matatagpuan sa timog-kanlurang Europa sa Tangway ng Iberia. Pinaka-kanluraning bansa sa Europa ang Portugal, at natatabihan ng Karagatang Atlantiko sa kanluran at timog, at ng Espanya sa hilaga at silangan. Ito den ay na patuloy na pinagtirahan, pinagsakupan, at pinaglabanan mula noong sinaunang panahon.

ANO ANG LIMASAWA

Ang Bayan ng Limasawa ay isang bayan sa lalawigan ng Katimugang Leyte, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 6,191 sa may 1,364 na kabahayan