👤

Gawain 1 A. Isulat ang kasunod na 3 multiples ng unang dalawang ibinigay. Magsimula sa pinakamaliit hanggang pinakamalaki. 1. 102, 105, 2. 20, 36, 3. 72, 74, 88, 96, 4. 5. 27, 36,​

Sagot :

PAGKUHA SA KASUNOD NA MULTIPLES

Kasagutan:

Upang malaman natin ang mga kasunod na multiple ng dalawang ibinigay na numero, kailangan nating kunin ang kanilang "common difference" at idagdag  sa huling ibinigay na numero. Simulan natin sa:

1. 102, 105

- Para makuha ang common difference ng 102 at 105, kailangan lang na ibawas ang 102 mula sa 105 kaya makakakuha tayo ng 3. Idadagdag natin ang common difference na 3 sa 105.

Kapag ang 105 dinagdagan ng 3, ang sagot ay 108. Ito ang unang multiple. Ipagpapatuloy lang natin ang pagdadagdag hanggang makuha natin ang pangatlo.

108 + 3 = 111

111 + 3 = 114

Kaya, ang kasunod na 3 multiples ng 102 at 105 ay 108, 111 at 114.

2. 20, 36

- Parehong bagay lang ang gagawin natin katulad ng sa unang bilang sa itaas. Kunin muna natin ang common difference ng 20 at 36.

36 - 20 = 16

At idadagdag natin ang 16 sa 36.

36 + 16 = 52

52 + 16 = 68

68 + 16 = 84

Kaya, ang kasunod na 3 multiples ng 20 at 36 ay 52, 68 at 84.

3. 72, 74

- Kunin natin ang common difference ng 72 at 74.

74 - 72 = 2

At idadagdag natin ang 2 sa 74.

74 + 2 = 76

76 + 2 = 78

78 + 2 = 80

Kaya, ang kasunod na 3 multiples ng 72 at 74 ay  76, 78 at 80.

4. 88, 96

- Kunin natin ang common difference ng 88 at 96.

96 - 88 = 8

At idagdag natin ang 8 sa 96.

96 + 8 = 104

104 + 8 = 112

112 + 8 = 120

Kaya, ang kasunod na 3 multiples ng 88 at 96 ay 104, 112 at 120.

5. 27, 36

- Kunin natin ang common difference ng 27 at 36.

36 - 27 = 9

At idagdag natin ang 9 sa 36.

36 + 9 = 45

45 + 9 = 54

54 + 9 = 63

Kaya, ang kasunod na 3 multiples ng 27 at 36 ay 45, 54 at 63.

Pag-aralan pa ang tungkol sa multiples:

https://brainly.ph/question/7030030

#BRAINLYFAST