Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan at bilugan ang mga titik ng tamang sagot. 1. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento. a. Panimula b. kasukdulan c. Tunggalian d. Tagpuan 2. Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. a. Panimula b. Tunggalian c. Kasukdulan d. Tagpuan 3. Problemang haharapin ng tauhan. a. Kakalasan b. Paksang Diwa c. Kaisipan d. Suliranin 4. Nagpapakita ng maayos ng pagkakasunod-sunod sa mga pangyayari sa kuwento. a. Banghay b. Kasukdulan c. Tunggalian d. Tagpuan 5. Ang nagbibigay buhay o tagaganap sa kuwento. a. Panimula b. Tauhan c. Tunggalian d. Tagpuan