👤

Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat sa kuwaderno kung paano maipakikita
ang pagbibigay ng tulong sa iyong kapuwa.
1. Nasunog ang bahay ng isa mong kamag-aral na nakatira sa kabilang
barangay. Kasama sa tinupok ng apoy ang mga damit ng kaniyang buong
be hindi siya nakakapasok sa paaralan. Nag-usap-usap kayong magkakamag-
un pamilya. Kabilang dito ang uniporme ng iyong kamag-aral. Dahil dito ay
aral at napagkasunduan ninyong tumulong. Ano
ang maaari ninyong gawin
upang madamayan ang inyong kamag-aral?
2. Nagbasa ka ng aklat sa silid-aklatan nang biglang lumindol. Dahil sa
kawalan ng paghahanda, hindi alam ng maraming mag-aaral ang dapat
gawin sa ganitong mga pagkakataon. Nagkataon naman na ang aklat na
iyong binabasa ay tungkol sa sakuna, kaugnay sa mga dapat gawin kapag
lumilindol at pagkatapos ng lindol. Ito rin ang paksa ng inyong klase sa P.E.
noong nagdaang linggo. Nakita mong nahihirapan ang mga guro na gabayan
sa dapat na gawin ang mga batang mag-aaral. Ano ang gagawin mo upang
makatulong?​