Balikan Isulat sa sagutang ang tsek (7) kung nagpapakita ng paggalang sa ideya ng kapuwa at ekis (X) kung hindi. 1. Si Mario ay naglahad ng kanyang opinyon tungkol sa sakit na COVID-19 na kinakailangang palaging maghugas ng kamay at magsuot ng face mask. Ito ay sinang-ayunan ni Tata. 2. Sinabi ni Gelo kay Gio na kailangang igalang ang ideya ng mga nakakatanda pero hindi ito pinakinggan ni Gio. 3. Pumapasok sa kuwarto ng kaniyang kapatid si Boboy nang hindi nagpapaalam pero nakita siya ng kanyang Tita at sinabihang masamang pumasok sa kuwarto ng iba. Kaya hindi na itinuloy ni Boboy ang pagpasok sa kuwarto. 4. Ang taong may respeto sa kapuwa ay hindi nakikialam sa gamit ng iba, lalo na sa pagbukas ng sulat na hindi nakapangalan sa iyo. 5. Iginagalang ang opinyon ng kapuwa, kahit labag sa kalooban.