Bakit Ako Naging Manunulat?
Rene Villanueva
Mapapansin ng sinomang sumusubaybay, kung mayroon man,sa pagsulat ko ng mga personal na sanaysay, na paulit-ulit ang pagtalakay ko sa paksang ito.Sa isang banda,
15
indikasyon marahil ito ng matindi kong pagnanais na unawain ang sarili at ipaliwanag talaga kung ano ang lakas na nagtutulak sa akin para mahalin nang husto ang pagsusulat. Par
a pahalagaha n ito nang higit sa aking asawa‟t mga anak, higit sa aking pamilya at kaanak, higit sa kahit anopaman sa aking buhay. Maaaring sabihin ng iba na napaka-OA naman, pero ganoon ko talaga pinahahalagahan ang aking pagsusulat. Masasabi kong ang akin pagsusulat ang buo kong pagkatao.
Ang Replektibong Sanaysay ay isang gawain na may kaugnayan sa pagre-reflek o pagninilay-nilay tungkol sa mga karanasan.
Ang replektibong sanaysay ay isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang naging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat. Maaaring lamanin nito ang kalakasan ng manunulat at maging ang kanyang mga kahinaan.
Isinasalaysay at inilalarawan din ng manunulat kung paano napaunlad ang kanyang mga kalakasan at kung paano niya naman napagtagumpayan o balak pagtagumpayan ang kanyang mga kahinaan.
Mayroon din itong kawili-wiling introduksyon, mga karanasang sumusuporta dito at malinaw na pagtatapos na nagsusuma ng karanasan.
Sa mga nakaraang sanaysay, lalo na sa librong (Im) Personal, tinalakay ko na kung paano at bakit ako nagsusulat; kung sino ang mga unang nakaimpluwensiya sa akin para mahilig sa pagsusulat at sino-sino ang mga una kong guro sa pagkatha. Ngayo‟y gusto ko namang harapin ang isa pang aspekto ng pagiging manunulat ko:Bakit ako naging isang manunulat? Bakit sa dinami- dami ng propesyon, dito ko piniling maggugol ng talino at panahon, ng buong buhay ko? Siguro, dahil mula pagkabata, wala akong naging ibang interes kundi kuwento: makinig ng kuwento, mag-imbento ng kuwento, magkuwento ng kuwento.
Sa pakikinig ng radyo ako unang nagkamalay kung paano bumuo ng kuwentong may epekto sa sinomang makarinig. Nang matuto akong magbasa ng Liwayway at mahilig sa panonood ng sine, lalong tumindi ang hilig ko sa paghabi ng mga pangyayaring sa isip ko lamang nagaganap; pero parang totoong-totoo!
![Bakit Ako Naging ManunulatRene VillanuevaMapapansin Ng Sinomang Sumusubaybay Kung Mayroon Mansa Pagsulat Ko Ng Mga Personal Na Sanaysay Na Paulitulit Ang Pagtal class=](https://ph-static.z-dn.net/files/df2/ff2f9df84770b20de10ee09153cdab4d.jpg)