Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba, ano ang gagawin mo upang mawala ang negatibong emosyon.
1. Halos dalawang oras mo nang ginagawa ang iyong proyekto na kailangan maipasa kinabukasan. Nang matatapos mo na ito ay inutusan ka ng iyong ina kaya pansamantala mo itong iniwan. Nanlumo ka pagbalik mo ng makita mong natapunan ito ng juice ng bunso mong kapatid. Bigla mo itong nasigawan at napalo kaya’t pinagalitan ka ng iyong ina. Paano mo pamamahalaan ang nararamdang inis o galit? Paano mo tutugunin ang iyong ina at kapatid?
2. Ilang araw kanang puyat dahil tinatapos mo ang mga requirements sa tatlo mong asignatura. Ngunit pasahan na kinabukasan ay hindi mo pa rin natatapos ang dalawa dito. Sa hindi mo inaasahang pagkakataon, nagdagdag ng activity na video making ang isa mong guro at ipapasa rin sa ikalawang araw. Lubha kang nabahala dahil sa iyong tantiya ay hindi mo ito matatapos sa takdang panahon. Ano ang gagawin mo upang maalis ang pagkabahala?