Sa nakaraang aralin, natutunan ninyo na ang Pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos at galaw. Ito ay may apat na aspekto: Perpektibo, Perpektibong Katatapos, Imperpektibo at Kontemplatibo. Gamit ang iny natutunan, gumawa ng tig-iisang pangungusap na may pandiwang nasa aspektong Perpektibo, Perpektibong Katatapos, Imperpektibo at Kontemplatibo ayon sa larawan sa ibaba.