👤



KABAYANIHAN

Lope K. Santos

1

Ang kahulugan Mo'y Sipag paglilingkod
Na walang paupa sa hirap at pagod;
Minsang sa anyaya , minsang kusang-loob
Pag-ibig sa kapwa ang lagi mong Diyos

2

Natalastas mong sa iyong pananim
Iba ang aani't iba ang Kakain;
Datapwa't sa iyo'y ligaya na't aliw
Ang magpapasakit nang sa iba dahil.

3

Pawis, Yaman, dunog, lakas, dugo, buhay..
Pinupuhunan mo at inaalay,
Kapagka ibog mong sa kaalipinan
Ay makatubos ka ng aliping bayan.

4

Sa tulong Mo'y naging maalwan ang dukha,
Sa turo mo,y naging mulat ang mulala,
Tapang mo,y sa duwag naging halibawa,t
Ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

5

Tikis na nga lamang na ang mga tao'y
Mapagwalang-turing sa nga tulong mo;
Ang kadalasan pag iganti sa iyo
Ay ang pagkalimot , Kung di paglililo.


GAWAIN A. Pagbibigay interpretasyon ng Tula

Saknong 1


Saknong 2​