Sikat sa paaralan si Leana dahil napakaganda at napakatalino niya. May kaya rin ang kaniyang pamilya. Isang araw, napanood sa TV at napabalita sa mga diyaryo ang anumalyang kinasangkutan ng kaniyang ama. Lumayo ang kanyang mga kaibigan at lagi siyang pinag-uusapan sa paaralan. Hindi na siya pinapansin ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan.
Tanong: Kung ikaw si Leana, ano ang iyong gagawin? Ano ang iyong pananagutan?