👤

Sumulat ng isang kritikal na sanaysay ukol sa isang grupong sosyal /kultural na gumagamit ng wika sa iba't ibang paraan. Malaya kang pumili ng iyong paksa na sa tingin mo ay may malawak kang kaalaman, may mayamang wikang nakarehistro sa paksang napili, at may sapat na kahandaan. Bigyan ng naayong pamagat ang iyong sanaysay. Isulat ang sanaysay sa inilaang espasyo, gumamit ng karagdagang papel kung kulang ang espasyo.​

Sagot :

Kritikal na Sanaysay:

Wikang Gay, Wikang Buhay!

Ang mga bakl@ ay kilalang grupo ng mga taong kinikilala sa kanilang pagiging malikhain at mahusay sa paggamit ng talento. Tumatawid ito sa kanilang pananamit, paraan ng pamumuhay, at gamit ng wika. Kaya nga may tinatawag ngayong Gay Lingo na ginagamit ng mga hindi straight na lalaki na punong-puno ng laro at pagiging malikhain.

Kung ilalarawan makikita na may pagkakahawig ito at halo sa iba't ibang uri ng wika gaya ng Japanese, English, Spanish at iba pa. Halimbawa ang shokot (takot), wit (hindi), award (magaling), Tom Jones (gutom), at iba pa. Mayaman ang wika na ito kaalaman na bunga ng sosyalidad na naikakategorya sa kasariang minamarhinalisado o binibigyang-diskriminasyon. Ayon sa mga dalubhasa, sandata ito ng pangkat upang maitago ang kanilang sinasabi sa sinumang hindi kabilang o hindi ibinibilang ang sarili sa pagpakikilala at pagtanggap sa mga bakl@. Dito natin makikita na ang wika ay mapanghamig din, proteksyon, at imbakan ng yamang kultural at talino ng grupong sosyal na bumuo nito.

#BRAINLYFAST