👤

Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan? *
A.Isip
B.Konsensya
C.Batas Moral
D.Dignidad
Answer with full explanation
I will give a crown for full explanation


Sagot :

Answer:

Ang nagbibigay ng hugis o direksyon sa kalayaan ay ang likas na batas moral.

Ipinaliwanag ni Sr. Felicidad C. Lipio na ang kalayaan ay hindi lubos sapagkat ito ay may limitasyon. Ang limitasyong ito ay itinitakda ng likas na batas moral. Inihalintulad niya ito sa dalampasigan at bayabaying dagat. Kung ang dalampasigan ang nagbibigay - hugis sa tubig at ang siyang nagbibigay hangganan dito, ang likas na batas moral ay ang nagbibigay - hugis sa paggamit ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito. Sa kabuuan, ang likas na batas moral ay ang nagsisilbing alituntunin na kailangang sundin upang magkaroon ng direksyon at hugis ang kalayaan.

Bilang karagdagan, ang kalayaan ng tao ay nakaayon sa pagsunod sa likas na batas moral. Ang tunay na kalayaan ay masusumpungan sa pagsunod sa batas na ito. Ang lahat ng mga batas na nauunawaan at sinusunod ng tao ay nakadaragdag sa kanyang kalayaan. Kaugnay nito, umaasa ang Diyos at ang mga magulang ng taong ito na ang pagsunod na gagawin o ginagawa ay bunga ng pagmamahal at hindi dahil sa napipilitan lamang siya o natatakot sa magiging kaparusahan sa hindi pagsunod. Kalakip nito, ang kalayaan ng tao sa lahat ng kanyang gagawin ay may kakambal na pananagutan. Ang tao ay kinakailangang maging mapanagutan sa lahat ng kanyang mga kilos at kapasyahang gagawin. Keywords: kalayaan, likas na batas moral