II. Suriin ang mga programang pinairal noong panahon ng Commonwealth. Lagyan ng NB kung ang programa ay nakabuti sa ating bansa. DNB kung ang mga programa ay di nakabuti, at DT kung hindi tiyak. 1. Paglinang ng wikang pambansa 2. Pagpapatayo ng sistema ng koreo 3. Pagkakaraoon ng colonial mentality 4. Pagdagdag ng ahensiya ng pamahalaan 5. Pagkakaroon ng Pamahalaang Commonwealth 6. Pagbibigay ng karapatang bumoto ng mga babae 7. Pagkakaloob ng ng lupang masasaka ng mga tao 8. Pagtatalaga sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. 9. Pagganyak na maibalik ang mga katutubong awitin 10. Pagkakaroon ng mga paligsahan sa sining at musika 11. Malayang pagpasok ng mga produktong galing sa Amerika 12. Pagtatakda ng walong oras na pagtatrabaho ng mga manggagawa 13. Pagbibigay ng military training sa mga mag-aaral na lalaki sa mataas na paaralan. 14. Pagkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika. 15. Pagbabawas ng isang taon mula sa pitong taong pag- aaral sa mababang paaralan.