👤

Paghahangad Ng kapangyarihan

Sagot :

Answer:

Marami sa mga tao ang naghahangad ng kapangyarihan. Ito ay maaaring makadulot ng masama o kabutihan depende sa paggamit ng taong pinagkalooban. Subalit, ang labis na paghahangad nito ang siyang nagdudulot ng kasakiman sa sangkatauhan. Nagagawa nitong bulagin ang tao sa paggawa ng masama sa halip na kabutihan,at ang pagtukoy kung ano ang tama o mali, makatarungan man o hindi.Sadyang nakasasama naman talaga ang labis na paghahangad ng kapangyarihan. Ibig sabihin, ang taong kagaya nito ay nababalot na ng kasakiman dahil nasisilaw na siya sa hangaring makamit ang nais na kapangyarihan. Wala na siyang ibang iisipin kung hindi ang abutin ang pagnanasang ito kaya magagawa nila ang lahat upang maabot lamang ang kanilang nais. Ang masaklap, tila malilimutan na nila ang kapakanan ng mga tao kung kaya’t dito na lalabas ang iba’t ibang uri na ang kasamaan. Kung mapupunta lamang sa isang taong gahaman ang kapangyarihan, tiyak maraming buhay ang masisira.

Explanation:

makatulong sana </33