👤

anong mga bagay Ang nakaimpluwensya sayo na tumatak sa buong pagkatao mo? ipaliwanag.​

Sagot :

Answer:

kumain kase pag kumakain ako nakakaranas ako ng busog

Answer;

Napakaraming bagay ang nakakaimpluwensiya sa aking papaniwala, pananampalataya at kung paano ako kumilos o mabuhay ngayon. Ang lahat ito ay nagmula sa aking pang araw-araw na karanasan at mga natutunan sa loob man o labas ng aming tahanan. Pagdating sa aking paniniwala, naimpluwensyahan ito simula pa lang saaking murang edad halimbawa na lang ay ang paniniwala tungkol sa mga lamang lupa atelemento gaya ng duwende, kapre, multo, tiyanak at aswang at marami pang iba. Sakatunayan, ayon sa aking mga magulang, ang mga ito ay ang madalas na banggitin nila saakin upang ipangtakot sa tuwing ako ay hindi pa natutulog sa gabi dahil sa mga paniniwalang ito mula sa aking murang edad ay nadala ko ito hanggang sa aking kasalukuyang gulang at ito ay akin rin isinasalin sa aking mga nakababatang kapatid o iba pang kamag-anak bagamat hindi ko napapatunayang totoo ito ay naniniwala pa rin ako dito sapagkat posibleng hindi lang tayo ang naninirahan sa ating mundo. Nagbigay naman ng malaking impluwensya sa aking pananampalataya ay ang mga taong nabigyan ng himala. Sila iyong mga taong may matinding pagsubok na pinagdadaanan at sa tulong ngmalakas na pananampalatay ay kanila itong nalagpasan. Gaya ng aking nabanggit lubos nanakaimpluwensya sa aking pagkatao ang lahat ng aking karanasan at natutunan mula sapayo ng aking mga magulang, mga natutunan sa paaralan at nakasanayang gawain. Maraming mga bagay ang maaaring makaapekto sa kung sino o ano tayo at sa lahat ng itoay mas mainam kung gagamitin natin ang puso at isip upang makatiyak na ito ay makakabuti hindi lang sa pansarili kundi para sa lahat.