👤

PAGYAMANIN Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Piliin ang tamang sagot sa mga nasa kahon sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno. 1. Sila ay maaaring mailarawan na maaasahan, masasandalan, o takbuhan. 2. Ayon sa ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem). 3. Hindi ibinabatay lamang sa simpleng pagkagusto at sa kagalakandahil sa presensya ng isang tao. 4. Sino ang Griyegong pilosopo na nagsabing "Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba? 5. Sino ang nagsabi na "Ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila. Kundi, ito'y mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin."? 6. Sino ang nagsabi na "ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon"? 7. Ito ay kinakailangan upang tumagal ang pagkakaibigan. 8. Ito ay pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao rito. 9. Pagkakaibigang nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na masaya kang kasama. 10 Uri ng pagkakaibigan ay nabubuo batay sa pagkagusto(admiration) at paggalang sa isa't isa