Ang manoryalismo ay ang pang-ekonomiyang aspeto na nakapaloob sa
pagbibigay lupa ng isang hari o lord para sa vassal. Kasama sa fief na
ipagkakaloob ang mga serf na naninirahan sa manor (maliit na village sa
kabuuan ng isang sukat ng lupa). Samakatuwid, ang manoryalismo ay
sistemang pang-ekonomiyang namayani noong panahong iyon. Ang lahat
ng kanilang mga pangangailangan tulad ng pagkain (mula sa
paghahayupan at pagsasaka) ay nakukuha nila sa manor. Ang iba pang
mga tao na naninirahan sa manor tulad ng mga karpintero at panday ay
nagbibigay din ng ibang serbisyong kailangan nila. Ibinibigay ng mga serf
ang mabuting bahagi ng kanilang ani sa lord. Sa manor ̧ umiikot ang
kanilang buhay – mula sa kapanganakan hanggang sa kamatayan.