Sagot :
ISIP AT KILOS - LOOB:
SAGOT:
Ang pagtugon ng lalaki at aso sa paalala ay magkaiba sapagkat ang lalaki ay susunod sa paalala samanatalang ang aso naman ay hindi. Ang pagkakaibang ito sa paraan ng pagtugon ay dulot ng pagkakaroon ng lalaki ng kakayahang umunawa na wala sa aso. Ang isip ng tao ang siyang dahilan ng malaking kaibahan ng tao sa hayop.
PALIWANAG:
Ang makaunawa ay tumutukoy sa kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. Ang makaunawa ay isa lamang sa mga kakayahan ng isip maliban sa maghusga at mangatwiran. Ito ang pangunahing dahilan kumbakit naiiba ang tao sa hayop sa kabila ng katotohahan na kapwa sila nilalang ng Diyos.