Sagot :
Ano ang pandiwa dito?
- Maagang gumigising ang mga mag-aaral araw-araw.
- Si nanay ay nagwalis ng bakuran maghapon.
- Nagtapon ng basura si Alex sa labas ng kanilang bakuran.
- Nagtulong-tulong ang mga mamamayan sa pagpapa-unlad ng kanilang barangay.
- Madaling natapos ang mga gawain sa paaralan.
__________________________________
Pandiwa
- Ito ay mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw sa isang pangungusap.
- Maaaring ang kilos ay naganap na, nagaganap, at magaganap pa lamang.
Halimbawa:
- Bumili si Charmy ng yelo sa tindahan.
- Si Charmy ay nagluluto ng paborito nyang ulam.
- Magtatanim si Charmy ng patatas bukas.
__________________________________
Answer:
1.gumigising
2.nagwalis
3.nagtapon
4.nagtulong-tulong/pagpapa-unlad
5.natapos