TAMA o MALI Panuto:Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot patlang. _________________1. Sa Asya, sinasabing ang mga kabundukan at kapatagan ay ang mga lugar na pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan sa mundo. _________________2. Isang palatandaan ng kabihasnan ay ang pagiging organisado ng mga mamamayan nito sa pamamagitan pagpapatupad ng mga sistematikong batas at mga alituntunin. _________________3. Ang pagiging eksperto ng mga mamamayan sa ibat’ ibang larangan ang siyang naging dahilan ng pagkakanya-kanya ng mga kabihasnan. _________________4. Nagawang ipreserba ng mga sinaunang kabihasnan ang kanilang mga natutunan, kasaysayan at mga naging tagumpay sa mga nakalipas na mga panahon sa pamamagitan ng sistema ng pagsulat. _______________5. Dahil sa lapit ng panahanan ng mga Sumerian sa mga lambak-ilog, isinentro nila ang kanilang pamumuhay sa pangingisda at pangangaso lamang.